Ang kamanghang-manghang bansa ng Singapore

“Lupa ng kayamanan, lupa ng kalayaan”

Singapore at ang kanyang kagandahan

Tignan ang kamanghang-manghang bansa ng singapore. Ang bansa o lugar ng kagalakan at kaligayahan at ang lugar kung saan ika’y nabibilang. Kilala ang bansang ito sa kalinisan ng paligiran, masasarap na mga pagkain, at ang iba’t-ibang uri ng kultura. Ang Singapore ay matatagpuan sa naynayin ng tangway ng malay. Ang klima ay madalas na mainit kaysa maulan. Ganon pa man ay napakasagana pa rin ng bansang ito. Sa larangan ng ekonomiya malaya at masagana at malaya sa katiwalian. Matatag ang kanyang pananalapi at ang  nito Gross domestic product o GDP ay isa sa mga pinakamataas sa mundo. At ito din ay nakakahanga dahil ang singapore ay katumbas lamang ng buong NCR, ibig sabihin ito ay napakaliit kumpara sa mga ibang bansa. Nakadepende ang ekonomiya sa pag-export, partikular ang sa sektor ng elektroniko at industriya.

Madami ang pwedeng matuklasan sa Singapore. Marina Bay, Marina bay sands, Merlion Park, Universal Studios Singapore, at higit pa. Ang Singapore ay mayaman at sagana pagdating sa turismo ng kanilang bansa dahil sa mga magagandang lugar na maaring maalok ng turismo sa Singapore. Ilan sa mga sikat na atraksyon dito’y ang Marina Bay kung saan malapit na nakatayo ang estatwang Merlion at dito din ang napaka taas ng “triple tower”. Marami rin ang nakatayong gusali sa tabi nito na riyan ang Marina Bay Sands Skypark kung saan ito ay napaka taas, Marina Bank, Art Science Museum at marami pa.

Isa sa pinaka sikat na pasyalan dito sa bansang ito ang Universal Studios na aming napuntahan. Ang Universal Studios Singapore naman ay ang kauna-unahang “Hollywood movie theme park” sa buong Southeast Asia. Tampok dito ang mga nakakaengyanyong rides, piling atraksiyon at aliwan para sa mga pamilya at mga “thrill seekers”. Sa katunayan, labingwalo sa dalawampu’t-walong “movie themed rides” ay dinesenyo para lamang dito. Mararamdaman mong nasa loob ka ng isang pelikula at maaaliw sa galing ng mga “special effects” at pagkakagawa ng lugar. Matapos ang nakakapagod na araw, punan ang enerhiya sa gitna mga atraksiyon at pagkuha ng litrato kasama ang mga estatwa ng mga artista, at bisitahin ang mga kainan na angkop din sa tema ng parke.

Samantala, ang Merlion Park ay nagsilbing pagkakakilanlan ng bansa saan man sa mundo. Ang katawan nito ay sumisimbolo ng mapagkumababang simula bilang “fishing village” noong ang tawag dito ay Temasek na nagangahulugang “sea town” sa Old Japanese at ang ulo naman nito ay kumakatawan sa orihinal na pangalan ng bansa, ang Singapura o “lion city” sa Malay.

Masasabi kong hindi kumpleto ang pagpunta mo sa bansang Singapore kung hindi ka nakapagpakuha ng litrato sa parteng ito. Marami man ang mga turistang pumapasyal dito’y makikita mo pa rin kung gaano kadisiplina at kalinis ang kanilang bansa. Upang pagtatapos, ang Singapore ay “Go to” dahil sa kagandahan na pwede nitong ialok saating mga turista.


Taken may, 2016

Follow My Blog

Get new content delivered directly to your inbox.

Design a site like this with WordPress.com
Get started